Monday, February 09, 2009

Mula kay aurelio locsin salVacion "Pintig ng Kimi"

PINTIG NG KIMI (Enero 24, 2009)
Tahimik ang gabi
Nang sumigaw ang pintig
Sa kanyang mga ugat
Nagngangalit na parang
Sasabog na bulalakaw
Sa mga langit
Kakambal na huni
Ng mga kuliglig
Bawat kibot
Ay tila paninikip
Ng diwang di nailabas
Ng mga ugat na sinakal
Pigil na sigaw
Tulad ng dilim sa gabi
Kimi na tila mahina
Ayaw tumutol ngunit
Nagpupumiglas
Tumututol ng pabulong
Sa langit na pikit
Umaasang sa pagmulat
Wala na ang sigaw
Ng dilim.
Sa araw ay tahimik
May pag-awit sa paggawa
Walang sumbat at pangngutya
Na ala-alang ayaw sambitin.
Hapo ang laman
Ngunit himlay ang loob
Lumilipas ang oras
Na di pansin ang pait
Nagmamaang-maangan
Na tila salat
Sa pagkaunawa
Nagpapanggap na kulang
Sa wastong pagkamalay
Babalutin ng lait
Ttawa ang madla
Kimi siyang muli
Pagtapos ng gawa.
May pangamba sa paghimlay
Mga multo ay andyan na
Dadalaw muli
Sa tahimik na gabi.
Tatakas ang payapang
Hangin at lamig
Ang labi sa isip
At sigaw ng pintig ng kimi.

Labels: ,

Mula kay aurelio locsin salVacion "Exit"

EXIT 1 (Bangon Na)
(Enero 25, 2009)
Parang langgam nanaman
Ang mga tao
Sa pagsikat ng araw
abala sa pagpapaganda
ikot parang trumpo
hala sige takbo
labas sa pinto
parang hinila ng magnet
sa pila.
Sige pa tulak,
isiksik ang sarili
sa malasardinas na MRT at FX
palitan ng mukha
banggaan ng mga tuhod
na di na makayang sumayad sa sahig,
nagsasalamin sa mass transport
na solusyon daw sa trapik
at pagsikip sa Maynila,
pinakamabilis na biyahe
at pagluwag ng langit.
Review, tsika,
Praktis ang dila
Para tumaas ang benta.
Mahalaga kuno ang future.
Handa nang sumabak
Dala ang lahat
Maliban lang
ang pinagmulan
ng buhay at
magdamag na Pahinga.

Labels: ,

Mula kay aurelio locsin salVacion "Seminar"

Seminar (Enero 22, 2009)
Hindi ko maintindihan
Bakit ako nakaupo
Dito sa silid
Nakikinig sa mga salita
Na nagaangking talino
Pantas kuno ng makabagong pag-iisip
Pagyayabang ng kaisipang
Magbabago daw sa lipunan
Nangungutya
Sa kung ano
Na naging bahagin na ng iyong
Pagkatao
Babasagin ba
O sasalaminin
Ngunguyain ko
Nanamnamin
Maduduwal
isusuka din naman
Sino ang pantas
Sa amin
Ang matalim na salita
Na humahamon sa paniniwala
Ng marami na sa ilang saglit
Ay umani na ng palakpak
May pagtanggap
Sa pagkawasak
Sa pagkapakababa
Sa mga ulap ng kaululan,
O ako
Na napaisip
Bakit ako nandito
Sa silid na ito
Nagtitiyaga,
Nagpapanggap na
Tanggap ko rin
Nagpapakahunyango
dahil sa
mapagpanggap din naman
ang nag-aaring siya
ay pantas
dios na puta din naman
na sa negatib
ang siyang hunyango
at ang totoong
sayaw sa bubog
na parang puki
ng bakla
na wala naman.
Huwag na lang kaya
Hanggang dito na
Lang at bago
Maisip ko rin
Na ako ay isang dios
Na putik
Sa bakal na
Kalawang ang puri,
Walang kapit
Hangin ang nasagip
Magmamaneho na lang ako
Palayo sa lahat
Ng ito
Na higit pa sa pagpapakapantas
Ay may patutunguang
Landas na dama
Ang pagbabago
Sa buhay
Ng mga nagaantay
Ng tulong
Habang umaandar ang
Metro ng laway ng pantas.

Labels: ,

From aurelio locsin salVacion FFive Snakes

FFive Snakes
There were five snakes that paraded,
Crossed each others’ path
Seeking its sure ground in disarray.
Five snakes that went around,
White, yellow, green, orange, and blue,
And yet another one that appeared to be white.
Snakes went around
With the beat of the lyres
Of tired young minds
Who do not understand why they roam
with this multitude,
silently walking without purpose
asking if at the end of the circling around,
The snakes get to dance
and boast its color and air.
The other white snake not contented
with the chaotic display,
Chose to put itself in the way
Of which it left years back.
Who is responsible,
Who sowed confusion
In the silently unplanned march
That created those snakes that
do not play with each other.
In their minds
Of pompous cheer,
Of coat of arms that is
Queer or does jeer.
From above gods look down,
Laughing at their pawns,
Gathered in disarray,
Mirrored the beat
That the gods hide but know,
That this day
These snakes will crawl empty,
No song, no dance,
No word to say,
No story to boast,
Just pawns sharing,
Trying to make sense
Of the all-together meaningless march.
Of learned incompetence
The gods boast
The pawns learn well
And yet not so well,
Those who thought
And indeed deep, to what really is,
were nowhere near the five roaming snakes.
Like scales the pawns scat
Like of the bones of the gods rot,
Seeking the best way
to make sense of the day.

(February 9,2009
aurelio locsin salVacion)

Labels: ,