Tuesday, August 16, 2005

Integration Paper

Mga minamahal na magaaral:

Bilang tugon sa panawagan noong huling miting na magkaroon ng integrasyon ng mga natalakay nang paksa, naisip ko na magkaroon muna kayo ng integration paper. Balak ko na magkaroon muna tayo ng workshop sa Friday, break into groups tayo. Ang magiging output nun ay isang integration paper na lalamanin ang mga natalakay nang mga paksa.

Kaya ito ang panawagan ko, pagaralan ninyo ang mga natapos nang teorya. Magkikita tayo sa Friday, hindi para balikan ulit ito, kundi para gamitin ito sa mga paksang makikita sa "social world" Sa madaling salita, application ng mga teorya ang paguusapan natin.

Sa Martes na siguro magrereport ang NeoMarxist group.

Susubukan ko i-post ang mga tanong para sa talakayan. Kaya buksan niyo regularly ang website tapos clisk nyo ang social theory blog.

Isang paalala lang, sana huwag na natin sanayin ang sarili natin sa "copy paste" lang. Ang mga susunod ninyong mga papel ay mas makakatulong sa inyo kung kayo mismo ang bubuo ng ideya at magbabalangkas ng lalamanin nito. Kapag hindi ninyo natutunan gawin ito, masasabi ko na na nasa maling kurso kayo. Pwede pa naman lumipat kung gusto ninyo, pero parang parusa sa ating mga sarili kung hindi natin sasanayin ang ating mga sarili na magisip, magsuri, at bumuo ng ideya galing sa sarili nating analysis.

Kaya nga , mukhang kailangan nating tumigil muna at mag-integrate ng ating mga ideya.

Hanggang sa muli!

Justin

0 Comments:

Post a Comment

<< Home